BOMBO DAGUPAN- Nakapagtala ng world record ang isang lalaki sa Iowa, USA matapos nito makapitas ng napakalaking talong na may bigt na 8.33 pounds.

Ang nasabing talong ay pagmamay-ari ng isang giant vegetable enthusiast na si Dave Bennet, tubong Davis County.

Sinuri naman ni Inspector Ivan Hankins ng Iowa Department of Agriculture and Land Stewardship’s Iowa Weights and Measures Bureau ang talong ni Bennet.

--Ads--

Kinumpirma nito na ito ang pinakamalaking talong na naitala sa buong mundo.

Samantala, sinabi naman ni Bennett na 5 taon na siyang nag-aalaga ng halamang talong. Hindi aniya ito ang kauna-unahang record na nakuha niya dapt 2 taon nang nakalilipas nang makapagtala ito ng 5.6 pounds na talong.

Tinalo naman ito ng 7.2 pounds na talong sa England noong 2022.