Mga kabombo! Isa ka rin ba sa kinagigiliwan ang mga nagcocostume ng cute na dinosaur? o baka naman isa ka sa mga nagsusuot nito?

Nagtipon-tipon ang 468 na mga tao sa isang museo sa Florida, sa Estados Unidos habang nakasuot nito upang makamit ang isang titulo sa Guinness World Record.

Nakipagtulungan ang Cox Science Center and Aquarium sa syudad ng West Palm Beach upang mapasakamay ang may pinakamalaking pagtitipon ngm ga taong nakasuot ng dinosaur costume.

--Ads--

Upang mapagtagumpayan ito, kinakailangan nilag mahigitan ang 2019 record sa Los Angeles kung saan 252 ang kabuoang bilang ng mga nakiisa.

Kinumpirma naman ng adjudicator ng Guinness na nahigitan nila ang nasabing record.

Labis naman nagpapasalamat ang museo sa mga nagpaunlak sa kanilang imbitasyon at anila, nakagawa sila ng kasaysayan.