DAGUPAN CITY- Dapat na isaalang-alang ng isang paaralan ang kanilang overall performace para sa kinabukasan ng ng mga mag-aaral.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rosario Valencerina, Newly-installed Vice President for Administration and Finance Management, muling pinatunayan ng Pangasinan State University (PSU) – Alaminos City Campus ang kanilang kahusayan matapos makapasok sa Top 3 Performing Schools sa katatapos lamang na March 2025 Licensure Examination for Teachers (LET).

Aniya, isang karangalan para sa buong kampus ang naturang pagkilala.

--Ads--

Samantala, hindi rin nagpahuli ang iba pang kampus ng PSU. Sa Lingayen at Bayambang Campus, ilang mga estudyante ang pumasok sa Top 10 sa nagdaang Licensure Examination for Teachers (LET).

Ayon kay Dr. Valencerina, bahagi ng kanilang pangako sa mga estudyante ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.

Mahigpit din umano ang pamantayan sa pagpili ng mga estudyante sa bawat programa upang masiguro ang mataas na kalidad ng output.

Dagdag pa niya, nagbibigay ng mga insentibo ang unibersidad sa mga kampus na nagpapakita ng magandang performance bilang bahagi ng motibasyon para sa patuloy na pag-unlad.