Dagupan City – Hinimok ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang publiko na manatili muna sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas, lalo na kapag malakas ang pag-ulan.
Pinayuhan ang mga residente na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Mas mainam umanong manatili sa ligtas, tuyo at komportableng lugar upang maiwasan ang pagkakasakit at iba pang panganib na maaaring dulot ng masamang panahon.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso hinggil sa lagay ng panahon. Hinikayat din ang lahat na agad sumunod sa mga babala at direktiba ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.










