Pinabulaanan ni Philippine Drug Enforcement Agence (PDEA) Region 1 Director Julius Paderes ang umanoy pagdami ng ilegal na droga sa Pangasinan.

Iginitt ni Paderes na ang sunod-sunod na impormasyon hinggil sa mga nasasamsam na droga sa lungsod ay bunsod umano ng mas pinalakas na intelligence gathering at kakayahan ng kanilang mga tauhan ng kanilang bilang pagpapaigting ng opisina sa mga operasyon nito kontra sa ipinagbabawal na droga sa rehiyon.

Kaugnay nito, ang nasabing sunod-sunod na pagkakadiskubre ay resulta ng magkasanib na case build-up ng PDEA at iba pang sangay ng Philippine National Police kasabay ng masusing validation at hindi basta-bastang pagsasagawa ng operasyon.

--Ads--

Sinabi rin ni Paderes na mas mababa umano ang drug-related incidents sa lalawigan kumpara sa iba pang probinsya ng rehiyon.

Bukod dito, ibinahagi rin ng opisyal na nagsisilbng pansamantalang imbakan o transit popint ng ilegal na droga ang lungsod dahil sa lokasyon nito bilang pangunahing daanan patungo sa mga lalawigan ng Hilagang Luzon.

Samantala, binigyang-diin ni Paderes na prayoridad ng ahensya ang pagkakaroon ng malinaw at matibay na ebidensya upang matiyak ang matagumpay na pag-usad ng mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Hinikayat din niya ang publiko na patuloy sa pakikipag-ugnayan sa ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon habang tiniyak naman ng opisyal na mananatiling protektado ang pagkakakilanlan ng mga mag-uulat.