Dagupan City – Muling nag-ikot ang mga tauhan ng PDEA Region 1 para sa pagpapatuloy ng kanilang isinasagawang information dissemination drive sa mga mangingisda at coastal barangay sa western part ng Pangasinan ukol sa illegal na droga na maari pang madiskubre sa karagatan.

Binisita ngayong araw ng mga otoridad ang bayan ng Bolinao na siyang may pinakamaraming nakitang sako ng shabu sa baybayin partikular na ang Barangay Balingasay katuwang dito ang PNP Bolinao at Barangay Official sa pamumuno ni Kapitana Dalmasia M. Ulep.

Bukod sa pagbibigay ng kaalaman at kamalayan sa tao ay nagpasalamat din sila sa naging katapatan ng mga mangingisda dahil sa ginawang aksyon sa natagpuang sako ng shabu ay maraming buhay ang naisalba lalo na ang mga kabataan.

--Ads--