DAGUPAN, CITY— Pormal nang umupo bilang bagong provincial director ng Pangasinan Police Office si PCol. Richmond Tadina na pumalit kay PCol. Ronald Gayo.
Sa naganap na turn-over ceremony na ginanap sa nasabing tanggapan, nagpahayag ng pasasalamat ang bagong talagang PD sa harap ng iba’t ibang mga Chief of Police na mula sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan.
Maliban pa rito, nagbigay din ng mensahe ang incumbent governor ng lalawigan na si Gov. Amado I. Espino III at si Region 1 Director na su PBGen. Emmanuel Peralta.
Sa nasabi ring inagurasyon, pinasinayahan din ang iba’t ibang mga bagong pasilidad sa nabanggit na opisina.
Nagpasalamat naman si Tadina sa mga dumalo sa kanyang turn-over bilang bagong provincial director ng Pangasinan PPO.