DAGUPAN, CITY— Arestado ang isang pastor matapos gahasahin ng tatlong beses ang isang babaeng menor de edad sa bayan ng Villasis.

Humaharap ang suspek sa kasong rape na walang karampatang piyansa at paglabag ng 3 beses sa Section 5 Article 3 ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse na may nirerekomendang piyansa na P200,000.

Ang naturang suspek ay napag-alamang residente ng barangay San Blas ng naturang bayan.

--Ads--

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang nadakip na suspek at nakatakdang sumailalim sa COVID-19 swab test bago tuluyang ilipat sa BJMP.