DAGUPAN CITY–Inihayag ng Department of Education Region 1 na sa ngayon ay hindi nakikitang posible ang panukala ng isang teachers group na magpatupad ng pass “pass or fail” na grading system para sa distance learning sa school year 2020-2021.

Ayon kay Dr. Tolentino Aquino, Regional Director ng Deped Region I sa kasalukuyan ay binabalangkas pa ang usapin kaugnay sa grading assesment guidelines na ilalabas na naayon sa learning modalities sa distance learning at sa pagbibigay ng mga grado sa mga estudyante.

Ngunit sa kanilang huling pagtatalakay ay isinusulong parin na gamitin ang numerical grading system.

--Ads--

Dahil dito ay makikita at matutukoy ang talagang kakayahan ng isang mag aaral.

Dr. Tolentino Aquino, Regional Director Deped Region I

Isa din umano sa mga gagamitin ng mga guro ay ang portfolio asessment na kung saan dito ilalagay at makikita ang mga output performance ng mga estudyante sa klase at mababago rin ang anyo at porma ng pagtataya ng mga grado ng mga mag aaral depende sa learning modalities.

Dagdag pa ng opisyal, malaki din ang posibilidad na manatili parin sa numerical grading system at magkaroon lamang ng konting adjustments upang hindi na rin madagdagan pa ang abala sa mga guro lalo na at maraming pang kinakailangang ayusin at mga proseso na kinakailangang gawin bago pormal na magbukas ang pasukan.