Dagupan City – Ipatutupad ng pamahalaang lokal ng Manaoag ang pansamantalang traffic rerouting at truck ban ngayong Linggo, Oktubre 4, 2026, mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi sa Barangay Poblacion.
Alinsunod sa Executive Order No. 90, Series of 2026, ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga deboto para sa Feast Day of Our Lady of the Rosary of Manaoag.
Upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bibisita sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, pansamantalang isasara sa daloy ng lahat ng uri ng sasakyan ang ilang bahagi ng Rizal Street at Soriano Street na sakop ng Barangay Poblacion.
Dahil dito, mahigpit na ipinapaalala sa mga motorista at mamasada na magplano nang maaga at dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala at maiwasan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa buong bayan.
Home Local News Pansamantalang Rerouting at Truck Ban sa Manaoag, Ipatutupad sa ngayong linggo para...










