Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa o Philippine Independence Day ngayong Hunyo 12.

Nanguna ang pangulo sa pagtaas ng bandila at pag aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr,. jose Rizal sa Luneta, Manila.

Kasama ng Pangulo ang first family na sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos, Joseph Simon Marcos, at Vincent Marcos.

--Ads--

Sa kanyang mensahe, hinimok niya ang mga Pilipino na ipagdiwang at pahalagahan ang kalayaang tinatamasa nila, at nanawagan na ipagtanggol ang bayan laban sa mga nagnanais pahinain ang lakas ng ating sambayanan.

Sinabi ng Pangulo na ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno ay naging inspirasyon ng mga salinlahi upang ialay ang kanilang sarili sa mga adhikain na magtataguyod ng kapakanan ng lipunan at ng sangkatauhan.