Dagupan City – Hindi humihinto ang disaster response operations ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa gitna ng patuloy na epekto ng Habagat sa ilang bahagi ng lalawigan.
Patuloy ang rescue operations sa mga apektadong lugar katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs), response clusters at iba pang responders upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng nangangailangan ng tulong.
Isinasagawa rin ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) upang matukoy ang mga posibleng panganib at mapalakas ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.
Samantala, tuloy-tuloy ang monitoring sa Emergency Operations Center (EOC) upang mabilis na matanggap at maipasa ang mga impormasyon tungkol sa sitwasyon sa iba’t ibang lugar.
Nagkaroon din ng council meeting upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan, mga kinakailangang intervention at karagdagang hakbang para sa kaligtasan ng publiko.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PDRRMO sa mga MDRRMO, response teams at iba pang ahensya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang insidenteng maaaring idulot ng Habagat.
Hinihikayat naman ang mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad.








