Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko na manatiling alerto sa mga panganib na maaaring idulot ng baha, maging habang ito ay nararanasan o matapos itong humupa.

Ayon sa PDRRMO, dapat iwasan ng mga residente ang paglusong o pagtawid sa baha dahil maaaring may mga panganib na hindi agad nakikita sa tubig.

Kung hindi maiiwasang lumusong, pinapayuhan ang publiko na magsuot ng bota upang maprotektahan ang mga paa at mabawasan ang panganib na magkaroon ng sakit mula sa maruming tubig-baha.

--Ads--

Samantala, matapos ang baha, mahalagang tiyaking ligtas muna ang paligid bago bumalik sa mga tahanan o magsagawa ng paglilinis.

Kabilang sa dapat pag-ingatan ang mga naputol o nakalaylay na kable, kagamitang elektrikal, maruming tubig, at iba pang bagay na maaaring magdulot ng aksidente o sakit.

Hinimok ng PDRRMO ang publiko na patuloy na maging maingat at mapagmatyag upang maiwasan ang mga karagdagang insidente at panganib na maaaring mangyari matapos ang pagbaha.