Dagupan City – Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees (BDRRMCs) na mahigpit na bantayan at paalalahanan ang mga residente, lalo na ang mga bata, na iwasang maligo o magtampisaw sa mga dike, ilog, sapa at iba pang anyong-tubig.
Ayon sa PDRRMO, maaaring biglang tumaas ang lebel ng tubig o lumakas ang agos dahil sa patuloy na pag-ulan, kaya maaaring malagay sa panganib ang mga taong nasa paligid ng mga anyong-tubig.
Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na bantayang mabuti ang mga bata at huwag hayaang magtungo sa mga lugar na maaaring makaranas ng biglaang pagtaas ng tubig.
Pinapayuhan din ang mga BDRRMC na maging maagap sa pagbibigay ng babala at huwag nang hintaying magkaroon ng insidente bago kumilos, upang mapangalagaan ang kaligtasan ng buong komunidad.










