DAGUPAN CITY– Naitala sa lalawigan ng Pangasinan ang 24 bagong active cases at 1 namatay sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw batay sa Provincial Health Office (PHO).

Naitala ang pagkamatay ng isang 47-taong gulang na babae mula sa Dagupan dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, 781 ang recoveries, habang 431 na pasyente ang nananatili sa ospital o Isolation Facility sa lalawigan.

--Ads--

Sumatotal, 1,255 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 984 ay mula sa 44 na bayan at 3 siyudad ng Pangasinan, habang 271 ay mula sa Dagupan, isang independent-component city o chartered city. Apatnapu’t-tatlo ang namatay dahil sa COVID-19.