Bigong maipasa ng Democratic-led ang resolusyon sa U.S. House of Representatives na layong pigilan ang military operations sa Iran hangga’t walang pahintulot mula sa Kongreso.

Sa botong 212-212, hindi naipasa ang panukala na naglalayong limitahan sana ang kapangyarihan ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.

Dahil sa simple majority requirement, hindi ito pumasa sa kabila ng malapit na agwat ng boto.

--Ads--

Ito na ang ikatlong beses ngayong taon na sinubukang harangin ng mga mambabatas ang military operation sa Iran. Una itong nabanggit sa 60-araw na deadline noong Mayo 1.

Nauna nang idineklara ni Trump na ang ceasefire ay “Terminated” na sa kasalukuyang digmaan sa Iran.

Mas dikit din ang naging mga botohan sa Senado, kung saan na-block ang isang war powers resolution sa 50-49 boto noong Miyerkules, matapos sumuporta ang tatlong Republicans kasama ang halos lahat ng Democrats maliban sa isang miyembro nito.