Dagupan City – Tuluyan nang pumasok sa finals ng NBL Pilipinas ang Pangasinan Asinderos matapos nilang dominahin at pataubin ang Taguig City Generals sa kanilang ginanap na best-of-three semifinals series.
Sa pamamagitan ng matinding depensa at maayos na palitan ng puntos, napanatili ng Asinderos ang kanilang lamang hanggang sa huling segundo ng laro upang pigilan ang paghabol ng Generals at maiuwi ang napakahalagang tagumpay na nagbigay sa kanila ng tiket sa kampeonato.
Naging malaking bahagi sa tagumpay ng koponan ang patuloy na suporta at inspirasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, kasama ang mga sports commissioner at coaching staff na patuloy na gumagabay sa mga manlalaro.
Inaasahang magiging mas matindi ang paghahanda ng Pangasinan Asinderos sa darating na NBL Finals kung saan buong lalawigan ang nakatutok at umaasang maiuuwi ang kauna-unahang tropeo ng kampeonato para sa Pangasinan.










