DAGUPAN CITY- Hustisya para sa noong 5 taon gulang na apo ang sigaw ng isang lola matapos mabiktima ito sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ayon kay Aling Gemma, ang siyang lola ng biktima, August 2016 mag-aala una ng tanghali habang nanananghalian ang kanilang pamilya, nang may dalawang armadong lalaki sakay ng motorsiklo ang dumaan sa harap ng kanilang tindahan at nagpaputok ng baril sa kanilang bahay.

Ang pakay ng mga salarin ay ang lolo ng biktima na pinaghihinalaang tulak umano ng droga.

--Ads--

Pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang bahay nila aling gemma, hanggang sa matamaan si Danica sa may pisngi na siyang dahilan ng kanyang pagkakasawi.

Si Danica ang umano’y una at pinakabatang biktima ng war on drugs noong nakaraang administrasyon.

Bagamat halos 9 na taon na ang nakakalipas, hustisya pa rin ang sinisigaw ngayon ng pamilya ng biktima kaugnay sa pagkakaaresto ng dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity dahil sa kanyang madugong Drug war ng kanyang administration.

Aniya, pangarap umanong lumibot sa iba’t-ibang bansa ng kaniyang apo pero malabo na itong mangyari.

Naniniwala naman si aling Gemma na sa pagkakaaresto ng dating pangulo ay makakamit na nila ang hustisya sa pagkakasawi ng kaniyang inosenteng apo noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte Administration.