BOMBO DAGUPAN- Apat ang nasawi habang arestado naman ang isang tao matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Georgia.

Ayon kay Sherriff Jud Smith, marami din ang sugatan sa pag-atake sa Apalachee High School sa Winder.

Inulagay sa lockdown ang paaralan at na-clear ng mga kapulisan, kasama ang paglabas sa mga mag-aaral.

--Ads--

Ayon naman sa mga report, nasa loob na ng paaralan ang gunman dakong 10:30 nang umaga, oras sa kanilang lugar.

Agad din itong nirespondehan ng mga kapulisan, kasama ang mga ambulansiya at ang medical helicopter.