DAGUPAN CITY– “Panay discussions ngunit walang on hand na solusyon.”


Ito ang tahasang inihayag ni Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers hinggil sa patuloy na hindi pagbibigay ng gobyerno sa nararapat na benepisyo para sa mga healthcare workers.


Ayon kay Mendoza, puro lamang sa mga meetings at dayalogo magaling ang Department of Health ngunit wala naman umanong tugon sa talagang problema.

--Ads--


Matagal pa nila itong panawagan sa pamahalaan buhat ng magsimula ang pandemya ngunit tila wala pa ring balk na dagdag sa kanilang sahod o benepisyo.


Sa ngayon wala pa rin umano ang kanilang special risk allowance.