Naniniwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na dapat magsilbing inspirasyon ang 2026 Palarong Pambansa upang mahikayat ang mas maraming kabataang Pilipino na mangarap, magsikap, at maniwala sa kanilang kakayahan.
Sa kanyang mensahe para sa pambansang palaro na gaganapin mula Mayo 24 hanggang 31 sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Sinabi ni Dy na mahalaga ang sports sa paghubog ng disiplina, katatagan, at leadership ng kabataan.
Binigyang-diin din ni Dy na ang Palarong Pambansa ay hindi lamang kompetisyon para sa medalya kundi pagdiriwang ng sipag, sakripisyo, teamwork, at tiyaga ng mga atletang estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Dy, panalo na ang lahat ng kalahok dahil sa dedikasyon at pagsisikap na kanilang ipinakita upang makarating sa pambansang palaro.
Hinimok din niya ang mga atleta na lumaban nang may integridad at dangal habang kinakatawan ang kanilang paaralan, komunidad, at rehiyon.










