BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang 26 na taong gulang matapos na pagsasaksakin ng kanyang 54 anyos na ama sa barangay Alitaya, Mangaldan, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLTCOL. Roldan Cabatan, chief of police ng Mangaldan PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nangyaring saksakan sa zone 1 sa nasabing barangay.

Parehong lasing ang dalawa at nagkaroon ng pagtatalo kunga gitna ng sagutan, binato ng bato ang mukha ng kanyang ama at tinamaan ito sa mukha dahilan para pagsaksaksakin ng ilang beses ng suspek ang biktima.

--Ads--

Ayon sa kuwento ng mga saksi at kapitbahay, palaging nagtatalo ang mag ama sa tuwing nakainom ngunit nitong huli nauwi sa saksakan ang kanilang pagtatalo.

Dinala sa pagamutan ang biktima subalit, deneklarang dead on arrival habang patuloy naman nagpapagaling ang suspek dahil sa natamong sugat sa mukha.

Narekober naman ng mga kapulisan ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang tunay na motibo ng pananaksak.

Sinabi ni cabatan na posbleng maharap sa kasong homicide ang suspek.