DAGUPAN CITY- Patuloy pang inaasahan ng Central Pangasinan Electric Corp. (CENPELCO) ang pagtaas ng pangangailan ng mga konsumer sa kuryente, kasabay ang paggalaw sa pagtaas ng singil.
Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng Cenpelco, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inaasahan pa ang pagtaas sa demand ng mga konsumer sa suplay ng kuryente hangga’t nararanasan ang matinding init ng panahon.
Aniya, madalas na itong kaganapan sa tuwing naturang panahon dahilan kung bakit numinipis ang suplay ng kuryente.
Sapat para itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert status ang suplay.
Noong nakaraan buwan ng April, naobserbahan ng Cenpelco ang pagtaas sa halos 20% ang normal peak demand.
Saad pa ni Engr. Corpuz, kung mapapansin ay nagkaroon ng paggalaw sa partial rate ng kuryente sa buwan na ito kumpara sa mga nakaraang buwan.










