BOMBO DAGUPAN- Matapos maghain ni Senator Nancy Binay ng ethics complaint laban kay Senator Alan Peter Cayetano, hindi naman malabong magsampa din ng reklamo si Cayetano.

Giit ni Cayetano na naglilito lamang si Binay at batid lamang ni Binay na walang mangyari sa isinampa nitong complaint.

Sinabi din niya na maaari niya din sampahan ng reklamo si Binay dahil hindi kaaya-aya ang ipinakita nito matapos nitong dumalo sa isinagawang pagdinig kaugnay sa pagpapatayo ng Senate Building at manggulo.

--Ads--

Dagdag pa niya na hindi ito miyembro ng pagdinig ngunit nag-walk out pa ito.

Binigyan linaw pa din ni Cayetano na bukas pa din ang komite para kay Binay at pag-usapan sa mahinahong pamamaraan ang naging isyu.