DAGUPAN CITY– Malaking tulong umano sa mga mahal natin sa buhay na yumao na ang ginagawang pagdarasal para sa kanilang kaluluwa lalo na kapag sumasapit ang panahon ng Undas .
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fr. Oscar Roque ng St. Thomas Aquinas Parish Church sa bayan ng Mangaldan inihayag nito na ang nabubulok lamang ay ang katawang lupa ng isang taong yumao na.
Ang kaluluwa nito ay nabubuhay magpakailanman na maaring mapunta sa langit o impyerno.
Giit ni Roque na nagtutungo sa sementeryo ang mga tao hindi lamang dahil sa tradisyon, kundi para mag-alay ng dasal sa mga kaluluwa lalo na sa mga walang nakakaalala para sila’y matulungan na makapasok sa langit.
Malaking tulong aniya ang pagdarasal na ito para ihingi ng tawad o mabawasan ang tinatawag na “consequences of sin” noong sila’y nabubuhay pa.