DAGUPAN CITY- Lubos nang pinaghahandaan ang pagdagsa ng mga turista sa Alaminos City, Pangasinan, lalo na sa pagbubukas ng Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Miguel “Mike” Sison, Alaminos City Tourism Officer, isa sa kanilang pinaghahandaan ay ang bilang mga taong maaaring dumagsa bawat araw.

Sinisiguro din ng kanilang opisina na maayos ang lahat ng mga stakeholders, at masiguro ang legalidad ng kanlang mga trabaho.

--Ads--

Nagkakaroon din ng mga pagpupulong at seminars upang maisaayos ang ilang mga summer related issues na maaaring lumabas.

Dagdag niya, pingatutuunan din ng opisina ang kanilisan sa ilang mga tourist areas a presyo ng panuluyan at ilang mga negosyo upang maging accommodating sa mga turista.

Inaanyayahan naman ng opisyal na pumasyal sa kanilang lugar at subukan ang ilang mga inihandang bagong tourist destinations.