Inaasahang bahagyang bubuti ang lagay ng panahon ngayong araw, Agosto 7, matapos humina ang epekto ng bagyong Maymay, bagama’t mananatiling maulap at may posibilidad pa rin ng pag-ulan sa ilang lugar.
Ayon kay Engr. Louie Vergara, Weather Specialist ng DOST-PAGASA, inaasahang mababawasan ang mga pag-ulan ngayong araw, ngunit hindi pa rin tuluyang mawawala ang banta ng sama ng panahon.
Samantala, inaasahan pa rin ang mga pag-ulan sa darating na Sabado dahil sa posibleng pagpapalakas ng Southwest Monsoon o habagat na dulot ng bagyong Dolphin.
Nakataas naman ang Yellow Heavy Rainfall Warning sa malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan, kaya patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at iba pang epekto ng malakas na pag-ulan.










