Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nilagdaan na niya ang dismissal laban kay dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Ang naturang opisyal ay kasalukuyang suspendido kasunod ng kontrobersiyal na pamamaril sa loob ng Senado noong gabi ng Mayo-13, 2026 na itinuturo bilang isang diversion para makatakas si Sen. Ronald Dela Rosa.
Pinatawan ng Ombudsman si Aplasca ng anim na buwang preventive suspension without pay kasunod nito.
--Ads--
Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na dati na niyang napirmahan ang dismissal order at ilalabas na ito anumang oras.
Kailangan aniyang tanggapin ng dahil 2-Star General ang naturang order, salig sa kapangyarihan ng Tanodbayan na maglabas dismissal order.










