Naka blue alert status na ang Office of Civil Defense o OCD Region 1 dahil sa bagyong Jenny.
Ayon kay Mark Masudog, information officer ng Office of Civil Defense (OCD) region 1, sa panayam ng bombo radyo, posibleng itaas pa nila sa red alert status ang alert level depende sa lakas ng kalamidad.
Kung sakaling nasa red alert status na ay mas maigting pa ang gagawin nilang monitoring at pagbibigay tulong sa komunidad. Nakanda na aniya ang mga tauhan nilang idedeploy sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon ay patuloy ang pagkakaloob ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan.
Samantala, nabatid na bumisita kamakailan sa Ilocos region na sinalanta ng kalamidad sina senador Bong Go at DSWD secretary Rolando Bautista at nagkaloob ng tulong sa mga apektadong mamamayan.