Inihayag ni NBI Director Melvin Matibag sa pagpapatuloy ng impeachment trial, na mayroon nang mga persons of interest ang kanilang ahensya na posibleng makapagturo sa taong nakausap umano ni Vice President Sara Duterte upang magpatupad ng pagpatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang laman ng pahayag ni VP Duterte na kung may papatay sa kaniya ay sinang-ayunan umano ng nakausap niya papatayin din ang first couple at dating House speaker.

Ayon kay Matibag, posible ring isa sa mga persons of interest na ito ang mismong nakausap ng Bise Presidente.

--Ads--

Gayunman, tumanggi siyang isiwalat ang kanilang pagkakakilanlan bilang proteksyon sa mga informants at para hindi maapektuhan ang imbestigasyon.

Ang naturang pahayag ay bahagi ng Article IV ng impeachment complaint na tumatalakay sa umano’y grave threats at inciting sedition.

Nauna nang iginiit ng NBI na ang mga banta ni Duterte ay isang “serious, active, and continuing threat” na may potensyal na magdulot ng aktwal na panganib sa national security.

Sa kabuuan, ang paglitaw ng mga persons of interest ay nagdaragdag ng bigat sa imbestigasyon ng NBI at maaaring maging susi sa paglalantad ng katotohanan sa mga paratang laban kay VP Sara Duterte.