DAGUPAN CITY– Naniniwala si George Ceralde, isa sa mga coaching staff at sports coordinator ng Lyceum Northwestern University dito sa lungsod ng Dagupan lalawigan ng Pangasinan na posibleng umabot sa game 7 ang NBA finals sa pagitan ng Toronto Raptors at Golden State Warriors.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Ceralde na malaking factor ang nawala sa Warriors dahil sa kakulangan nila ng tao.

Pero maari umanong bumangon sa susunod na laro ang Warriors sa pagbabalik ng kanilang mga star players.

--Ads--

Sa kanyang pagtaya sinabi ni Ceralde na hahaba pa ang serye ng kanilang laro.

Malamang isusurpresa umano ng mga naglalarong koponan ang mga manonood sa nagpapatuloy na NBA finals.

Samantala, hinangaan naman nito ang Raptors dahil sa ipinakitang galing sa game 3.