Pumalo na sa 40 katao ang nasawi dahil sa naranasang malalakas na pag-ulan sa Brazil.
Ayon sa state fire departments ng Minas Gerais na mayroong 27 iba pa ang naiulat na nawawala.
Maraming residente rin ang nawalan ng tirahan habang inilikas naman ang iba dahil sa naranasang landslide.
--Ads--
Pahirapan naman ang mga rescuers sa paghahanap ng mga natabunang katao dahil sa makapal na mga putik.
Tiniyak naman ng federal government ng Brazil ang tulong sa mga naapektuhang residente.










