Dagupan City – Galit ang nangibabaw sa misis ng aktor na si Niño Muhlach na si Diane Abby Tupaz sa mga taong tinawag nitong “nagwalanghiya” sa kanilang anak.

Ayon sa ulat, tinutukoy sa isang blind item na pinagtangkaang halayin ng dalawang TV executive’s ng isang network ang anak nilang baguhang actor na si Sandro Muhlach.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ng isang Network patungkol sa pangyayari at kinikilala na ang mga suspek ay sinasabing “independent contractors” nila.

--Ads--

Sa kaniyang social media post kamakailan, sinabi ni Tupaz na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya at maturuan ng leksyon ang mga umano’y gumawa ng “kababuyan” sa kanilang anak.

Kaugnay nito naglabas na rin ng reaksyon si Angela Muhlach dahil sa makahulugang post.

Samantala, kinilala ang mga itinuturong salari na sina Jojo Nones at Richard Cruz,

Ngunit ayon sa abogado nito, labis na ikinalungkot ng dalawa ang mga batikos na natatanggap nila sa social media. Dahil nahusgahan na ang mga ito kahit wala pang patunay na sila ay may kasalanan.

Habang nanindigan naman si Niño na inaasikasyo niya sa ngayon ang paghain ng pormal na reklamo laban kina Nones at Cruz, at pagkatapos ay saka raw siya magbibigay ng pahayag tungkol sa nangyari sa anak.