Napuno ang mga venue na nagbigay ng free viewing para sa Game 2 ng NBA Finals.

Ayon ito sa mga ilang Pinoy na nakapanayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Bombo Radyo Correspondent Geomaiko Muyrong, tubong Camantiles, Urdaneta, Pangsinan, na nakabase na ngayon sa Alberta, Canada, bilang pagpapakita ng todong suporta ng mga Canadian sa koponan ng Toronto Raptors, binuksan ang ilang mga sinehan para sa free viewing bukod pa sa pamimigay ng mga libreng ticket.

--Ads--

Habang inihayag naman ni Bombo Radyo Correspondent Vima Rosete, tubong Burgos, Pangasinan na nakabase na ngayon sa Toronta, Canada, mahirap makipagsiksikan sa mga lugar na binuksan para sa free viewing dahil sa dami ng taong nanuod na sa pagtaya nito ay umaabot pa sa 20,000 katao sa bawat venue na binuksan

Bagamat hati anila ang Filipino Community doon sa kanilang pinapaburang koponan.

Nabatid na ang game 2 ng NBA final ay isinagawa sa balwarte ng Raptors, bagamat sa kasamaang palad ay pinahiya sila ng defending Champion na Golden State Warriors sa iskor na 109-104.