Dagupan City – Hindi pa rin makabalik ang mga vendors sa bahagi ng sidewalk sa downtown area dahil pa rin sa tubig-baha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edward Dacasin-team leader ng Anti-littering task force ng Dagupan City, sinabi nito na patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring upang maging maayos ang sitwasyon ng mga vendors.

Sa katunayan aniya, pansamantala muna silang nakapwesto sa loob ng Galvan street habang at Quintos bridge kung saan walang tubig.

--Ads--

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Dacasin na kapag naging maayos na ang sitwasyon ay ibabalik na rin sa dati ang sistema ng mga sidewalks vendors sa malimgas public market.

Panawagan naman nito sa mga vendors sa sundin ang mga alituntunin na ipinapatupad sa palengke.