Lumikas na ang milyong mga residente sa Florida sa Estados Unidos bago ang pagdating ng Hurricane Milton sa kanlurang baybayin ng estado.

Ayon kay Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent sa Florida USA, nagsagawa ang mga kinaookolan ng malaking preparasyon at evacuation effort sa mga low lying areas at malapit sa dagat bilang paghahanda sa pagtama ng hurricane.

Nagsimula umano ang evacuation noong isang araw pa.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay marami na ang lumikas at nagsarang mga tindahan

Ibinahagi nito na nasa outskirt sila ng Tampa Bay at doon ay walang mandatory evacuation, pero inasahan ang pagtama doon ng malakas na ulan at hangin.

Huling tinamaan ng hurricane ang lugar nila noong Oct 19, 2021, tatlong taon na ang nakakaraan at ngayon lang ulit mararanasan ang nasabing kalamidad.

Ito umano ang unang pagkakataon na mararanasan ang malakas na hurricane sa kinaroroonang bansa.
Bilang preparasyon ay kumuha sila ng sandbags upang proteksyunan ang kanilang pintuan.

Si Milton ay nasa kategoryang apat na may malalakas na hangin na umabot sa 165 mph (270 km/h).

Matatandaaan hindi pa umabot sa dalawang linggo noong tumama si Hurricane Helene sa Gulf Coast na kumitil ng buhay ng hindi bababa sa 225 tao sa Florida, Georgia, South Carolina, Tennessee, Virginia, at North Carolina.