Nasawi ang tatlong katao sa Austin, Texas matapos pagbabarilin ng isang aramadong lalaki ang isang bar.

Sugatan naman ang 14 katao, kabilang na ang tatlong kritikal ang kalagayan.

Napaslang naman ng mga kapulisan ang suspek habang pinipigilan ito.

--Ads--

Hindi pa kinikilala ang suspek subalit, ilan beses itong namataang pabalik-balik sa bar sakay ng kaniyang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at pinagbabaril ang patyo at harapan ng bar.

Nagawa pa nitong pagbabarilin ang mga dumadaang tao sa lugar bago siya mabaril ng mga kapulisan na kaniyang nakadaaanan sa intersection.

Patuloy pa itong iniimbestigahan bilang potensyal na terorismo.