Isinalarawan na pinakamatindi ang isinagawang airstrikes ng Iran sa US military base sa Qatar.
Ayon kay Lawrence Valmonte, Bombo International News Correspondent sa Qatar, sa pagkakataong ito ay hindi lang tinarget ang US military base sa Qatar dahil may tinamaan ding apartment.
Nagkaroon ng 63 na ballistic missile at 12 drone attack ang pinadala ng Iran sa Qatar subalit, dalawang ballistic missiles at isang drone ang nakalusot sa Qatar na ikinasugat ng ilang katao.
Nagdulot aniya ng takot sa mga tao at mangilan ngilan aniya ang dumadaang sasakyan dahil sa sunud sunod na strike.
Samantala, nag abiso ang pamahalaang Qatar at embahada ng Pilipinas sa mga mamamayan sa Qatar na kung walang importanteng gagawin sa labas ay manatili na lamang sa loob ng bahay.
Dagdag ni Valmonte, wala ring pasok bukas ang embahada ng Pilipinas sa Qatar pero kung may emergency man ay puwede paring magtungo sa kanilang tanggapan.
Pinawi naman ni Valmonte ang pangamba ng pamilya nbg mnga OFWs na narito bansa na nasa maayos at ligtas naman sila doon.










