DAGUPAN CITY—Sa Israel, karaniwang ginugugol ng mga Jews ang banal na panahon sa pamamagitan ng pagtitipon ng pamilya at pagbisita sa mga kamag-anak bilang bahagi ng kanilang tradisyon.

Gayunman, ayon kay Kristine Soriano, Bombo International News Correspondent, nagkakaiba-iba ang karanasan ng mga Pilipino roon depende sa kanilang employer. May ilan na nabibigyan ng hanggang dalawang linggong pahinga at nakakapagdiwang, habang ang iba ay nakikibahagi sa selebrasyon ng kanilang amo o kaya naman ay hindi na lamang nagdiriwang.

Dagdag pa niya, mahigpit ang ilang pamilya pagdating sa pagkain, gaya ng paghihiwalay ng karne at gatas bilang bahagi ng kanilang paniniwala, kaya kinakailangan talagang mag-adjust ang mga Pilipino sa ganitong mga kaugalian. Sa kabila nito, pinapayagan naman ang Filipino community na magtipon, bagama’t aminado si Soriano na nami-miss niya ang mas masaya at makulay na selebrasyon sa Pilipinas kung saan nagkakasama-sama ang pamilya.

--Ads--

Samantala, nananatiling may tensyon sa bansa matapos marinig ang sunod-sunod na sirena at missile attacks simula kahapon. Dahil dito, kinakailangan nilang maging alerto kahit sa oras ng pagtulog at handang lumikas patungo sa mga bomb shelter anumang oras.

Sinabi ni Soriano na nananatiling normal ang presyo ng mga bilihin at nagpapatuloy pa rin ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.