DAGUPAN CITY–Negatibo at nakarekober na sa covid19 ang mga Locally Stranded Individuals o LSI na nagpositibo sa COVID-19 swab o RT-PCR test noong August 8 sa lungsod ng Alaminos.

Ang mga nakarecover ay sina Alaminos patient no. 8 na isang 33 anyos na lalaki, na mula sa Barangay Inerangan at Alaminos patient no. 9, 42 anyos na babae na residente ng Barangay Mona.

Ito ay nakumpirma base sa isinagawa ng pamahalaang lungsod na kanilang ikalawang RT-PCR test sa pamamagitan ng Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross.

--Ads--

Dahil dito ay itinuturing na silang recovered at magaling na mula sa naturang sakit.


Samantala, sa naturang lungsod din ay nagnegatibo sa RT-PCR Test ang dalawang probable cases mula sa Barangay Inerangan at Barangay Lucap.

Dahil sa pagdagdag ng bilang ng mga nakarekober sa lungsod ay pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang mga residente sakanilang patuloy na pagtalima sa mga health protocols na ipinapatupad upang makaiwas sa covid19 at mapigilan na ang pagkalat nito sa lungsod.

Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan na nararapat ipagpatuloy ng mga residente ang kooperasyon sa mga kinauukulan upang patuloy na mabawasan ang mga kaso ng covid19