Tiniyak ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan na tuloy tuloy ang serbisyo sa mga Pangasinense sa darating 12th Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Lambino, ano man ang kinalabasan noong nakaraang election ay walang mababago sa mga isinusulong na mga ordinansa, resolusyon o mga na file na mga dokyumento sa darating na 12th Sangguniang Panlalawigan Session sa buwan ng Hulyo.

Aniya, hindi kinakailangan magre-file ng mga dokyumento na naipasa noong 11th Sangguniang Panlalawigan.
Dagdag pa nito, kinakailangan lamang na magkaroon muli ng pagpasa ng internal rules and procedures ng provincial board at kasama sa pag uusapan ang membership at chairmanship ng bawat komite.

--Ads--

Samantala, muling nagpasalamat si Lambino sa mga kababayang Pangasinense sa tiwala at sumuporta noong 2025 midterm eleksyon.

Matatandaan na reelected Vice Governor si Lambino matapos makuha ang mahigit 1 milyong boto na itinuring na pinakamalaking botong nakuha ng isang kandidato sa kasaysayan ng eleksyon sa Pangasinan.