Marami pang natuklasan na mga “non-existent” names ang di umanoy nakapangalan bilang mga recipients sa confidential funds ng opisina ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kaya House Deputiy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega, kabilang pa sa mga kwestyonableng mga pangalan ay sina “Jay Kamote” at “Miggy Mango”.
Maliban pa riyan, mayroon din limang magkakapareoh ng first names. Ito naman ay sina Dodong Alcala, Dodong Bina,, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.
Ani Ortega, katulad ng mga naunang pangalan ay wala rin datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga ito.
Matatandaan na nauna na rito ang mga kwestyonableng mga pangalan na may kahalintulad sa chip brands at cellphones, kabilang na rito sina Mary Grace Piattos, Pia Piatos-Lim, Renan Piatos, at Xiaome Ocho.