Dagupan City – Ikinababahala ng psychologist ang mga naitatalang krimen sa mga paaralan, lalo na ang naganap na pamamaril sa Tacloban.

Ayon kay Dr. Argel Masanda, isang psychologist, na ang bullying na madalas nararanasan ng mga kabataan, partikular sa mga adolescent, ay nagdudulot ng kawalan ng seguridad, takot, at insecurity na maaaring humantong sa pananakit sa ibang tao.

Sa mga tinatawag na extreme cases, paliwanag ni Masanda, hindi pa ganap na fully developed ang pag-iisip ng mga kabataan kaya hindi pa nila lubos na naaabot ang tamang emotional at cognitive maturity, na maaaring magresulta sa paggawa ng mga hindi kanais-nais na desisyon tulad ng mga insidenteng naganap sa Tacloban at Cavite.

--Ads--

Dagdag pa niya, malawak ang ugat ng ganitong mga pangyayari ngunit kabilang sa pangunahing salik nito ang lipunan, kakulangan ng tamang paggabay (guidance), at hindi sapat na pag-unawa sa tamang paghawak ng emosyon.

Binibigyang-diin din nito na ang kakulangan ng tamang suporta at gabay sa mga sangkot na mag-aaral.

Aniya ang mga biktima ay maaaring makaranas ng post-traumatic stress disorder (PTSD), habang maging ang mga hindi direktang apektado ay maaaring ma-stress dahil sa naturang insidente.

Para naman sa mga suspek o perpetrators, sinabi nito na kailangan din nilang sumailalim sa mga interventions at psycho-therapy, dahil sa ilang kaso ay maaari rin silang maituring na mga biktima na nangangailangan ng tulong at paggabay.