Tuluyan ng nakalaya si Mary Jane Veloso matapos na mabigyan ng absolute pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Emosyonal na lumabas si Veloso sa Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong nitong Biyernes ng gabi.

Hawak nito ang dokumento ng kaniyang absolute pardon.

--Ads--

Ipinaabot nito ang kaniyang pasasalamat kay Pangulong Marcos matapos ang pardon at mabigyan ng tsansa para makabalik sa piling ng kaniyang pamilya.

Naniniwala ito na hindi pa huli ang lahat kaya may pagkakataon pa ito para masubaybayan ang kaniyang mga anak.

Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Marcos ang absolute pardon ni Veloso nitong Setyembre 24 .

Noong Disyembre 2024 ng ilipat sa kustodiya ng Pilipinas si Veloso matapos ang pagkakakulong ng ilang taon sa Indonesia.

Nahatulan si Veloso ng parusang kamatayan dahil sa pagdadala ng iligal na droga kung saan nakatakda sana itong bitiyan noong Setyembre 2015 sa pamamagitan ng firing squad at sa huling minuto ay naaresto ang babaeng nag-recruit kay Veloso kung saan kinasuhan ito ng human trafficking kaya naging prosecution witness na si Veloso.

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Veloso ang kaniyang pamilya na galing pa sa probinsiya bago ito tuluyang makalabas na ng correctional facility. | Via Bombo Jovino Galang