Nakatakdang tumestigo si dating Overseas Filipino Worker Mary Jane Veloso sa darating ng Hunyo 19 sa loob ng Correctional Institution for Women sa Lungsod ng Mandaluyong.

Isasagawa ito sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 210 kung saan papakinggan ang testimonya ni Veloso sa loob ng CIW kung saan ito nananatili.

Noon pang 2024 ay nailipat na si Velos sa CIW mula sa Indonesia matapos na ito ay mahatulan dahil sa drug trafficking.

--Ads--

Tetestigo si Veloso laban sa kaniyang iligal recruiter na si Maria Cristina Sergi at iba pa sa kasong qualified trafficking in person,estafa at paglabag sa Migrants Workers and Overseas Filipino Act.

Isinasagawa ang pagdinig ng kaso sa Santo Domingo, Nueva Ecija Regional Trial Court at dahil nakakulong si Veloso sa CIW ay nagpasya ang Korte Suprema na isagawa ang pagdinig sa loob ng prison compound.

Inatasan din ng korte ang ICW na maghanda ng kuwarto kung saan isasagawa ang pagdinig na sasamahan ang ilang mga personnel ng Mandaluyong Regional Trial Court at ilang partido.