Ipinahayag ni Perfecto Liquiran, Spokesperson ng Pangasinan Mango Farmers, ang kanilang mga pangamba sa epekto ng mahabang pag-ulan at banta ng paparating na El Niño.
Ayon kay Liquiran, ang nakatakdang maagang pag-spray sa kanilang mga pananim ay lubos na naantala dahil sa sunod-sunod na pag-ulan na nagdulot ng pagka-stress ng kanilang mga pananim dala ng sobrang tubig-ulan.
Kasabay nito, mababa umano ang naging bilang sa lumabas na bulaklak mula sa kanilang mga pananim kumpara sa inaasahang produktong gagamitin sana bilang paghahanda sa pagdating ng El Niño.
Dagdag pa niya, lalong hihirap ang pagpapalago ng kanilang ani sa panahong tumaas ang heat index dahil sa tindi ng init ng panahon.
Bagamat sinubukang agapan ang nasabing kakulangan, tiniyak naman ni Liquiran na magiging mataas ang presyo ng mga produktong mangga dahil sa hindi magandang resulta at inaasahan ang anihan sa darating na early christmas hanggang sa bagong taon.










