Dagupan City – Nakakuha ng 99.056% rating ang Mangaldan Police Station sa isinagawang Unit Performance Evaluation sa buwan ng hunyo.

Ipinaabot naman ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan ang pagbati sa hanay ng kapulinsan.

Naisakatuparan naman ang nasabing pagkilala dahil din sa hanay ng kapulisan ng bayan sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL. Roldan E. Cabatan ang Chief of Police sa bayan.

--Ads--

Patunay naman aniya ito ng karangalan sa epektibong pamamalakad ng tanggapan sa pagbibigay nito ng hindi matatawarang serbisyo sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bayan.