Lima ang napaulat na nasawi sa nangyaring pag-ambush sa kapulisan sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, ngayon gabi, March 28, 2026.
Nangyari ang insidente matapos ang kanilang isinagawang pagpapatrol at pabalik na sa kanilang kampo sa Camp Datu Akilan, bandang 9:10 PM.
Hindi pa kilala o natutukoy ang mga suspek.
Kinilala naman ang mga nasawi na sina:
1. Pat Kenneth Perocho
2. Pat Al-Fatah Marohom
3. Pat Amil Bangsa
4. Pat Arsenal Sivih
5. Pat Sayed Ridwan
Habang sugatan naamn sina:
1. PLT Alfred Gregory
2. PSSg Adam Kamarudin Kansi
3. Pat Abubakar Lauban
Patuloy naman ginagamot ang tatlong sugatan sa IPHO-Maguindanao.
Agad naman rumesponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan at inalerto na rin ang mga kalapit na kasamahan.
Nakikipag-tulungan na rin sila sa matataas na headquarters at iba pang law enforcement units.
Bukod pa riyan, isinasagawa na rin ang hot pursuit operations sa mga posibleng dinaan ng mga suspek.










