Mga kabombo! Maniniwala ba kayo kapag may nagsabing hindi siya tinatablan ng bala?
Paano kung nagbiro sa iyo ang iyong kainuman na siya ay isang Mr. Bulletproof. Gagawa ka ba ng paraan upang mapatunayan kung totoo ang kaniyang sinasabi?
Ito ay nangyari nang ang isang 50-anyos na lalaki sa Davao City ang nasugatan matapos umanong ipagmalaki sa kainuman na hindi siya tinatablan ng bala. Kung saan ang suspek, kumuha ng airgun at binaril siya.
Dahil dito ang kaniyang claim na hindi siya tinatablan ng bala ay hindi nagsuccess kung saan sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Mandug Police Station Chief, Major Rejie Torrita, na lumitaw na ang biktima mismo ang naghamon umano na barilin siya ng suspek dahil hindi naman siya tatablan ng bala.
Kumuha naman ng airgun rifle ang suspek at binaril sa tuhod ang biktima na kailangan ngayong operahan dahil sa tinamong tama ng bala.
Sumuko ang suspek matapos ang insidente at ipinaliwanag na ginagamit niyang pamaril sa ibon ang airgun na pellet ang bala.
Mahaharap sa reklamong frustrated homicide, at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at election gun ban ang suspek.