Nahaharap ngayon sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga ang isang 22 anyos na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buybust operation kung saan nakuha sa pangangalaga nito ang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang 3.4 milyon sa Pampanga.

Sa ikinasang buybust operation ay nahuli ang suspek na tubong Cavite sa Brgy Dau Mabalacat. Nakuha sa pangangalaga nito ang marked money na ginamit sa operasyon maging ang limang malalaking plastic na may lamang shabu .

Inamin naman ng susek ang pagkakasangkot nito sa kalakaran ng illegal na droga.

--Ads--

Inihayag din nito na isang beses sa isang linggo siya nagbabagsak ng droga malapit sa terminal sa Pampanga.